IN PHOTOS: Kick Off and Launching Ceremony ng “Pasig Bakuna, Bata ang Bida!” Program
April 15, 2024
Opisyal na inilunsad ang programang “Pasig Bakuna, Bata ang Bida!” sa isang maiksing panuntunan kasabay ang lingguhang flag-raising ceremony kanina, April 15 2024.
Sa ilalim ng programang ito, isasagawa ang malawakang bakunahan o Supplemental Immunization Activity laban sa Polio at iba pang vaccine-preventable diseases. Layunin nito na mabakunahan ang mga batang edad 6 weeks to 23 months old para sa routine at catch-up doses ng lahat ng bakuna at 24 to 59 months old para naman sa supplemental dose o dagdag bakuna para masiguro na sila ay may proteksyon laban sa vaccine-preventable diseases gaya ng polio, measles (tigdas), at rubella.
Sa ceremonial launching na ginanap sa Pasig City Hall Quadrangle, may 12 na bata mula sa Brgy. Sumilang at Brgy. Bagong Katipunan ang binakunahan. Bukod dito, sabay-sabay din na inilunsad sa natitira pang 28 na barangay sa Pasig ang nasabing programa.
Kaya naman hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng City Health Department (CHD), ang mga magulang at guardians na pabakunahan na ang kanilang mga chikiting. Ito ay LIBRE at gagawin sa pampublikong health centers, paaralan, at sa iba pang lugar na itatalaga ng CHD. Magkakaroon din ng house-to-house vaccination kaugnay nito.
Pabakunahan na ang inyong mga anak upang masiguro na sila ay ligtas at protektado laban sa iba’t-ibang uri ng sakit!
—
Noong 2023, nakapagtala ng 116% Service Coverage ang Lungsod ng Pasig para sa Supplemental Immunization Activity. Kaya naman ngayong 2024, sama-sama nating pagtagumpayan ang programang ito sa pamamagitan ng pagsiguro na mabibigyan ng bakuna sa mga chikiting para sa kanilang kalusugan at kaligtasan!