IN PHOTOS: KASALANG BAYAN 2024

February 14, 2024



Road to forever ang 30 na magkasintahan matapos ang seremonya ng kanilang pag-iisang dibdib ngayong Araw ng mga Puso, February 14, 2024, sa Tanghalang Pasigueño.
Sa harap ng kanilang mga pamilya at mahal sa buhay, nagpalitan ng matatamis na “I dos” ang mga magkasintahan na pinag-isang dibdib ni Mayor Vico Sotto. Bago at matapos ang seremonya, hinarana ng love songs ang mga ikinasal. Nagpaabot din ng munting regalo ang lokal na pamahalaan sa bawat pares na ikinasal.
Talaga nga namang ramdam na ramdam ang tunay na pagmamahalan sa Lungsod ng Pasig!
Mabuhay ang mga bagong kasal! At Maligayang Araw ng Puso sa lahat!