IN PHOTOS: INTER-SCHOOL STREET DANCE COMPETITION 2024
November 26, 2024
Matagumpay na idinaos ang Inter-School Street Dance Competition 2024 noong Biyernes, November 22, 2024 sa Rizal High School Oval na nilahukan ng 16 contingents mula sa 8 elementary at 8 high schools sa Lungsod ng Pasig.
Muling nagwagi bilang Grand Winners ang Kalawaan Elementary School at Nagpayong High School para sa Elementary at Secondary Division. Sila ay nag-uwi ng cash prize na tig-PHP 100,000. Nasungkit din ng dalawang kampeon ang Special Award na Best in Costume na may cash prize na tig-PHP 10,000.
Itinanghal naman ang Oranbo Elementary School at Eusebio High School bilang First Runners Up at sila ay nagkamit ng tig-PHP 70,000. Samantala, ang titulong Second Runners Up ay nakuha ng Pineda Elementary School at Santolan High School na may cash prize na tig-PHP 50,000.
Sa kanilang maikling mensahe, nagpasalamat sina Mayor Vico Sotto, Congressman Roman Romulo, Councilor Angelu De Leon, at Pasig City Assistant Schools Division Superintendent Jay Macasieb sa lahat ng schools na nakilahok sa kompetisyong ito. Binigyang pagkilala din nila ang partisipasyon ng mga kawani ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng City Mayor na full support sa mga programang may layuning pagyabungin ang kultura, pati na rin ang aktibong pakikilahok ng mga kabataang Pasigueño.
Maliban sa masigabong sayawan at chants, bida rin sa event na ito ang supporters na kanya-kanyang nag-cheer para sa kanilang pambato.
Ang patimpalak na ito ay naging matagumpay sa pangunguna ng Office of the City Mayor, katuwang ang iba pang mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pakikipagtulungan nito sa Department of Education - Schools Division Office of Pasig.