IN PHOTOS: INDAK NG PAG-ASA 2023

June 30, 2023



Walong dance groups mula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Pasig ang nagtagisan ng galing sa Indak ng Pag-asa na may temang “Indak ng Pag-asa sa Panahon ng Pasigueño” noong June 28-29, 2023 sa Tanghalang Pasigueño.

Matapos ang dalawang araw na indakan, itinanghal na TOP 3 PERFORMING DANCE GROUPS ang mga sumusunod: Mananayaw ng Buting (Buting), RHS Modern Dance Troupe (Caniogan), at Pure Kwatro Batang Pineda (Pineda). 

Para matukoy ang winning groups ay nag-imbita ng panel of judges na kinabibilangan nila Ronald Sto. Domingo, PJ Lapus, Justin Dee, Chris Cruz, Saicy Aguila, April Gustilo, at Albert Nerveza.

Sa mismong Araw ng Pasig, July 2, 2023, kasabay ng selebrasyon ng Gabi ng Pasasalamat, malalaman kung sino sa tatlong barangay ang mag-uuwi ng titulong GRAND CHAMPION at makakatanggap ng trophy at cash prize na nagkakahalagang PHP 50,000.00. Samantala, makakatanggap naman ng trophy at cash prize na PHP 30,000.00 at PHP 20,000.00 ang tatanghaling 1st Runner Up at 2nd Runner Up. Hindi lamang iyan! Makakatanggap din ng PHP 5,000.00 consolation prize ang ibang grupong lumahok sa Indak ng Pag-asa.

Kaya’t ano pa ang hinihintay ninyo? Tara na sa Pasig City Hall Quadrangle, sa Linggo, alas-singko ng hapon, at sabay-sabay nating i-cheer ang ating mga kabarangay! Kung hindi man makakapunta, huwag mag-alala dahil ila-live namin ang buong kaganapan sa Facebook Page ng Pasig City Public Information Office!