IN PHOTOS: Inauguration ng Drainage at Sidewalk sa Pinagbuhatan
April 12, 2025

IN PHOTOS: Inauguration ng Drainage at Sidewalk sa Pinagbuhatan
Nagkaroon ng inagurasyon para sa naging konstruksyon ng side walk at drainage sa dalawang inner roads sa Bolante, Brgy. Pinagbuhatan kahapon, Biyernes, April 11, 2025. Aabot sa halos 400 meters ang ginawang side walk at drainage, na may hiwalay na service line para sa MWSS, na may halagang ~₱4.2M para sa buong proyekto.
Para pasinayaan ang mga ito, nagsama-sama ang mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, mga kinatawan mula sa Barangay Pinagbuhatan, at mga representante ng mga residente ng Bolante St. kung saan nagkaroon ng maikling programa at pag-bless ng daan at drainage.