IN PHOTOS: HR Excellence Summit for PRIME-HRM Level II

March 2, 2024



Nagtipon ang nasa 600 human resource (HR) practitioners mula sa iba't ibang lugar sa bansa para sa HR Excellence Summit for PRIME-HRM (Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management) Level II noong Huwebes, February 29, 2024 sa Philippine International Convention Center.
Binuksan ang programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng opening remarks ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Atty Karlo Nograles. Sinundan naman ito ng mga mensahe mula kina Vice Mayor Dodot Jaworksi, Jr. at Congressman Roman Romulo.
Para bigyang konteksto ang paksa ng Summit, nagbigay ng overview si CSC Director for HR Policies and Standards Ms. Jennier Timbol tungkol sa PRIME HRM.
Pagkatapos nito ay ang naging pagbabahagi naman ni Pasig City Human Resource Development Officer Ms. Elvira Flores ng mga pinagdaanan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para makakuha ng PRIME HRM Level II Bronze Certification mula sa CSC.
Tampok sa pagtitipon na ito ang pagbabahagi rin ng best practices na ipinatupad ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa apat na pillars ng PRIME HRM: recruitment, selection, and placement (RSP); performance management (PM); learning and development (L&D); at rewards and recognition (R&R). Ang apat na HRM areas na ito ang ina-assess sa PRIME HRM. Pinangunahan ng mga division chief ng Pasig City HRDO ang nasabing pagbabahagi ng best practices: Ms. Minerva Rosas (RSP), Ms. Iluminada Vierne (PM), Ms. Analiza Tatco (L&D), at Ms. Maria Luisa Buenave (R&R).
Bukod sa mga ito nagkaroon din ng presentasyon ang IT Officer ng Pasig City HRDO na si Ms. Myls Duza tungkol sa Pasig GEMS (Pasig Government Employees Management System) o ang tumatayong Human Resource Information/Management System ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Para bigyang pagkakataon naman na masagot ng mga tanong mula sa participants, nagkaroon ng panel discussion tampok ang lahat ng mga naging presenter mula sa hanay ng Pasig City HRDO. Sinundan naman ito ng panel discusson na tampok sina Mayor Vico Sotto, at mga CSC Acting Commissioner na sina Ms. Nerissa Canguilan at Atty. Judith Dongallo-Chicano. Ang panel discussion ay pinadaloy ni Civil Service Institute Director Ms. Emylin Severo. Ang mga tanong na sinagot ng panel discussants ay halaw mula sa registration ng participants -- kung saan parte ng kanilang pag-register sa summit ay ang kanilang katanungan sa magiging paksa ng HR Excellence Summit.
Sa kanyang closing remarks, nagpasalamat si Mayor Vico Sotto sa lahat ng HR practioners na dumalo sa HR Excellence Summit. Nagpasalamat din siya sa Pasig HRDO para sa mga ginawa nito upang makamit ng lungsod ang Level II Bronze Certification at maging sa naging matagumpay na HR Excellence Summit.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang ika-apat na lokal na pamahalaan sa buong bansa nakakuha ng ganitong certification levell at ang may pinakalamaki structure (10,000 personnel). Hangad ng lungsod na maitaas pa ang antas nito sa PRIME HRM hindi lamang para sa parangal ngunit para sa patuloy na pagsusulong ng pag-professionalize at empower ng public servants, maging ng government instutitons.
Ang Summit na ito ay produkto ng kolaborasyon sa pagitan ng Philippine Civil Service Commission at Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng Pasig City HRDO (Human Resource Development Office).
Maaaring mapanuod ang Summit sa link na ito: https://bit.ly/HRExcellenceSummit