IN PHOTOS: HIMIG PASIGUEÑO: MUSIKANG HANDOG SA MGA PASIGUEÑO (CHORALE COMPETITION)
December 14, 2023
IN PHOTOS: HIMIG PASIGUEÑO: MUSIKANG HANDOG SA MGA PASIGUEÑO (CHORALE COMPETITION)
Nagtagisan ng galing ang siyam (9) na chorale groups para sa titulong Grand Champion sa katatapos lamang na Himig Pasigueño: Musikang Handog sa mga Pasigueño (Chorale Competition) na ginanap nitong December 12-13, 2023 sa Tanghalang Pasigueño.
Nangibabaw ang tinig ng Music and Praise Chorale na itinanghal na Himig Pasigueño 2023 Grand Champion at nag-uwi ng cash prize na nagkakahalagang PHP 60,000.00. Ginawaran naman bilang 1st Runner Up ang RTU Grand Alumni Association Inc. Singers na nakapag-uwi ng PHP 40,000.00 at 2nd Runner Up ang ICTHUS Chorale na nakatanggap ng PHP 30,000.00. Samantala, nakatanggap din ng PHP 5,000.00 consolation prize ang iba pang mga kalahok.
Natukoy ang mga winning chorale group para sa Himig Pasigueño sa tulong ng mga hurado na sina Mr. Rodolfo Manuel, Mr. Zac Moran, Mr. Danilo Manuel Jr., at Ms. Norlyn Conde.
Nagpakitang gilas din sa isang intermission number ang ating ipinagmamalaking Pasig City Band na ipinamalas ang kanilang husay at galing sa pagtugtog ng mga pamaskong musika.
Abangan ang mga nanalong chorale groups sa kanilang muling pagtatanghal sa pre-show ng Paskotitap sa Linggo, December 17, 2023 at sa Christmas Carol at the Park sa December 21, 2023.
Nais balikan ang mga kaganapan mula sa dalawang araw na kompetisyon? I-click lamang ang mga link na ito: