IN PHOTOS: HATAW PASIGUEÑO 2023
December 15, 2023
IN PHOTOS: HATAW PASIGUEÑO 2023
All out ang energy ng limang dance groups mula sa public at private high schools sa ating lungsod na kalahok sa ginanap na Hataw Pasigueño 2023 Dance Competition kahapon, December 14, 2023, sa Tanghalang Pasigueño.
Nasungkit ng Royal Dance Varsity mula sa Sta. Lucia High School ang titulong Hataw Pasigueño 2023 Grand Champion kung saan nakatanggap sila ng cash prize na nagkakahalagang PHP 60,000.00. Di rin naman nagpahuli ang Rizal High School Modern Dance Troupe (Rizal High School) at Kasaglaw Dance Troupe (Buting Senior High School) na itinanghal na 1st at 2nd Runners Up at nag-uwi ng PHP 40,000.00 at PHP 30,000.00. Nakatanggap din naman ng tig-PHP 5,000.00 bilang consolation prize ang dalawa pang natirang kalahok.
Para matukoy kung sino ang mga grupong magwawagi sa kompetisyon na ito, nag-imbita ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng mga hurado sa katauhan nina: Mr. Raymond Francisco, Mr. Patrick Joseph Lapus, Mr. Csairus John Habla, at Mr. Randy Carlos Guevara.
Nabitin sa performances ng winning groups? Muli ninyo silang mapapanood sa pre-show ng Paskotitap Float Parade 2023 na gaganapin sa darating na Linggo, December 17, 2023, sa Bridgetowne.
Balikan ang mga kaganapan mula sa Hataw Pasigueño 2023 sa link na ito: https://bit.ly/HatawPasigueño2023