IN PHOTOS: GAWAD TAGA ILOG 4.0 AWARDING CEREMONY
March 24, 2024
Ihinirang bilang third runner-up na 'most improved estero in Metro Manila’ ang Lanuza Creek sa Barangay Ugong sa ilalim ng Category A ng katatapos na 4th Gawad Taga-Ilog Awarding Ceremony na pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources - National Capital Region (DENR-NCR) noong Huwebes, March 21, 2024.
Bukod pa rito ay nakatanggap din ng special award na iginawad din sa mga daluyan ng tubig sa ilalim ng kategoryang ito ang Lanuza Creek bilang "Champion in Liquid Waste Management." Bukod sa tropeo at plake ay nakatanggap din ng PHP40,000.00 cash prize para sa pagkapanalong ito. Para tanggapin ang mga nasabing awards mula sa hanay ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at Pamahalaang Barangay ng Ugong, pinangunahan nila Mr Allendri Angeles, Head ng City Environment and Natural Resources Office/Solid Waste Management Office at Barangay Captain Gloria Cruz ang delegasyon.
“Transforming Communities through the Gawad Taga-Ilog Program” ang naging tema ng Gawad Taga-Ilog 4.0, na nakatutok sa tatlong (3) pangunahing konsepto ng sustainability – economic, enhanced environment, and social.
Sa taong ito unang ipinakilala ng DENR-NCR ang dalawang kategorya ng kompetisyon: Category A o ang tipikal na Search for the Most Improved Estero in Metro Manila. Ito ang labanan para sa mga bagong pasok at hindi pa nananalong mga daluyang tubig mula sa mga nakaraang GTI. Samantala, ang Category B naman ay ang labanan ng mga nanalong daluyang tubig noong GTI, GTI 2.0, at GTI 3.0, kaya ito tinawag na Battle of the Winners #BattleForSustainability.
Photo credit: DENR-NCR Facebook Page