IN PHOTOS: Gabi ng Pasasalamat 2024 Concert

July 3, 2024



Kasing lakas ng pagbuhos ng ulan ang suportang ipinakita ng mga Pasigueño sa naganap na Gabi ng Pasasalamat 2024 concert kagabi, July 2, 2024, sa Pasig City Hall Quadrangle.
Hindi nagpatinag ang mga Pasigueño na nakiisa sa nasabing pagdiriwang sa gitna ng pabugso-bugsong pagbuhos ng ulan. Bandang alas-kwatro ng hapon ay unti-unti nang nagdatingan sa Caruncho Ave. ang mga dumalo sa concert. Pagpatak naman ng alas-sais ng gabi, inumpisahan na ng mga host na sina Boobay at Osang ang kasiyahan.
Matapos magpasaya ng hosts, sinundan naman ito ng performances ng dalawang local bands na Corvus Mind at Anwind. Hindi rin nagpahuli sa pagbibigay saya at pagpapakilig ng fans ang P-pop group na Cloud 7. Agad naman itong sinundan ng hataw na performances mula sa mga bandang The Knobs at Magnus Haven.
Bukod pa riyan, kasali rin sa pagbibigay saya sa mga Pasigueño ang Maropok, at syempre, ang pinakaaabangan ng lahat na sina Flow G at Skusta Clee!
Kaya naman sa lahat ng mga Pasigueño na nakiisa sa Gabi ng Pasasalamat 2024 concert, #TeamQuadrangle man o #TeamBahay, maraming salamat sa pagsuporta sa aktibidad na ito upang ipagdiwang ang Araw ng Pasig 2024!
Kung hindi ka man nakapanood ng live o kaya naman sa livestream ng Pasig City Public Information Office, maaari ninyong balikan ang mga kaganapan sa concert sa mga link na ito: