IN PHOTOS: FIRST-TIME JOBSEEKERS ONE-STOP SHOP x TRABAHO PARA SA PASIGUEÑO JOB FAIR
May 3, 2023
Nasa higit 800 applicants ang lumahok sa Trabaho para sa Pasigueño Job Fair at nasa halos 100 naman ang na-serbisyuhan ng One-Stop Shop para sa First-Time Jobseekers sa ginanap na back-to-back activities kahapon, May 2, 2023 sa Tanghalang Pasigueño.
Nasa 254 sa mga aplikante ang hired-on-the-spot at nasa 161 naman ang near-hire o kailangan pang sumailalim sa second/final interview para tuluyang matanggap sa kumpanya na kailang inapplyan.
Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa mga kumpanya na nakiisa sa Job Fair, gayundin sa mga sangay ng nasyunal na pamahalaan na nagsilbing katuwang ng PESO sa pagkakaroon ng One-Stop Shop para sa First-Time Jobseekers.
Hindi nakapunta sa post-Labor Day Job Fair ng Pasig? Huwag mag-alala dahil magkakaroon pa muli ng Job Fairs na pangungunahan pa rin ng Pasig City Public Employment Service Office (PESO) ngayong taon! Abangan ang post sa Pasig City Public Information Office Facebook Page tungkol dito.
Para sa mga kumpanya naman na interesado ring lumahok sa mga susunod pang Job Fair, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa PESO!