IN PHOTOS: First Mega Job Fair 2025 ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig

March 22, 2025



IN PHOTOS: First Mega Job Fair 2025 ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig 

Naging matagumpay ang pagsasagawa ng unang Mega Job Fair para sa 2025 kahapon, March 21, 2025, sa Doña Juana Multipurpose Hall, Barangay Rosario.

Sa kabuuan, may higit 700 aplikante ang dumalo sa Mega Job Fair na nilahukan din ng 30 local companies at 5 overseas companies. Mula sa 713, nasa 166 sa mga ito ang HOTS o hired-on the spot at umabot naman sa 252 ang near-hire (kailangan lamang magsumite ng karagdagang dokumento o dumaan sa karagdagang interview bago tuluyang matanggap sa kanilang in-applyang trabaho).

Tampok pa rin sa Mega Job Fair ang One-Stop Shop para sa First-Time Jobseekers. Marami ring aplikante ang natulungan at nabigyang serbisyo sa pamamagitan ng pagtugon sa concerns at inquiries sa tulong ng iba’t ibang sangay ng nasyonal na pamahalaan at maging pagsasanay (skills training) na ipinagkaloob naman ng Pasig City Skills Development Office.

Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO), sa lahat ng Pasigueño na lumahok sa Mega Job Fair, lalo na sa mga kompanya at sangay ng nasyonal na pamahalaan na tumulong upang magbigay ng oportunidad sa mga Pasigueño.

Hindi nakapunta sa 1st Mega Job Fair? Huwag mag-alala dahil every quarter ng taon ay nagsasagawa ng Mega Job Fair ang PESO. Abangan ang mga anunsyo kaugnay ng mga ito.