IN PHOTOS: EARTH DAY 2024

April 22, 2024




Back-to-back activities ang idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa selebrasyon ng Earth Day ngayong araw, April 22, 2024 na may temang “Planet Vs. Plastics.”
Opisyal na sinimulan ang pagdiriwang nito kasabay ng lingguhang pagtataas ng watawat kung saan inilunsad ang Batang Bantay Kalikasan (BBK) Project. Layon nito na gawing ang kabataan na maging daan tungo sa pangangalaga ng kalikasaan. Nagkaroon ng panunumpa ng mga BBK Officer mula sa nasa 21 pampublikong paaralan sa Lungsod ng Pasig na pinangunahan ni Samantha Nicole Salingay mula sa De Castro Elementary School. Bukod sa panunumpa pinagkalooban din ang mga ito ng BBK badge bilang pagsimbolo ng pagkilala sa kanila ng Lungsod ng Pasig.
Nagkaroon din ng anunsyo tungkol sa paanyaya sa mga pribadong kumpanya na sumali sa patimpalak na “Search for the Most Sustainable Landscape” na naglalayong isulong ang pagkakaroon ng green spaces sa bawat pribadong kumpanya sa lungsod bilang pagsuporta na rin sa Green Building Ordinance ng Lungsod ng Pasig. Magkakaroon ng susunod pang anunsyo tungkol dito para sa mga detalye kaugnay nito.
Matapos ng lingguhang flag-raising ceremony ay nagkaroon naman ng ribbon-cutting para sa Earth Day Fair sa Pasig City Hall Lobby, kung saan nasa 10 exhibitors ang lumahok para i-showcase ang kanilang environment-friendly na mga produkto. Maaaring bumisita sa Earth Day Fair simula April 22 – 24, 2024, 08:00AM – 05:00PM. Makikita ang listahan ng exhibitors pati maging ilan sa kanilang produkto sa link na ito: https://bit.ly/PC_EarthDayFair2024
At hindi pa diyan nagtatapos ang activities para sa Earth Day celebration dahil nagkaroon din ng tree-planting/growing activity sa Pasig Central Elementary School, kung saan aabot sa 70 iba't- ibang uri puno ang itinanim (guyabano, rambutan, lemon, bayabas, cacao, kamagong, kasoy, atis, pili, tsesa, kalamansi, lipote) ng urban gardeners. Nilahukan ang nasabing tree-planting/growing activity nina Mayor Vico Sotto, Vice Mayor Dodot Jawoski, Jr., mga konsehal, at mga kinatawan mula sa Mint College of Ortigas, South AsiaLink Finance Corporation, at Department of Education - Schools Division Office of Pasig.
Ang pagsasagawa ng Earth Day activities ay pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office.
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig – Happy Earth Day sa lahat!