IN PHOTOS: Distribution ng Emergency Go Bags sa mga TODA sa Lungsod ng Pasig
December 23, 2024
Matapos makapamahagi ng Emergency Go Bags sa bawat pamilya sa mga komunidad at barangay ng Lungsod ng Pasig, nagsimula na rin ang distribusyon ng Emergency Go Bags sa mga TODA o tricycle operators and drivers associations na may prangkisa sa lungsod noong Biyernes, December 20, 2024.
Tinatayang nasa 12,000 miyembro mula sa 90 TODA na nakarehistro sa Tricycle Operation and Regulatory Office (TORO) ang magiging benepisyaryo ng nasabing distribusyon. Ito ay bukod pa sa naging distribusyon din ng Go Bags sa public at private schools (1 Go Bag kada classrom), mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, public hospitals (Pasig City General Hospital, Pasig City Children's Hospital, at Rizal Medical Center), at ilang pang mga tanggapan ng nasyonal na pamahalaan sa Lungsod ng Pasig.
Ang patuloy na pamamahagi ng Emergency Go Bags sa iba't-ibang sektor, tanggapan, institusyon sa Lungsod ng Pasig ay parte pa rin ng pagpapalawig ng kahandaan ng mga PasigueƱo na makatugon sa mga di inaasahang pangyayari tulad ng emergencies at mga sakuna, lalo na sa mga sektor na malimit na makakita ng mga aksidente sa lansangan, katulad ng mga tricycle drivers.
At di pa rito nagtatapos ang pamamahagi ng Emergency Go Bags dahil magkakaroon din nito sa iba pang public utility vehicles at kalaunan, maging sa pampublikong palengke sa lungsod.
Ang Emergency Go Bags ay isa lamang parte ng "preparedness" component ng disaster risk reduction and management sa Lungsod ng Pasig. Bukod pa rito ay nagsasagawa rin ng iba't ibang capacity building activities sa mga barangay, schools, at iba pang sector ang Disaster Risk Reduction and Management (Pasig City DRRMO) para sa preparedness at iba pang aspeto ng DRRM katulad ng response at recovery.
Ang distribusyon ng Emergency Go Bags ay naging posible sa pagtutulungan ng tanggapan ng TORO at DRRMO. Ang distribusyon sa mga natitira pang TODA ay ipagpapatuloy muli sa December 26-27, 2024.