IN PHOTOS: DAY 4 NG MARATHON PRESENTATION NG ANNUAL INVESTMENT PROGRAM PARA SA TAONG 2025
April 16, 2024
Sa huling araw ng Marathon Presentation ng 2025 Annual Investment Program (AIP) na ginanap noong Biyernes, April 12, 2024, 14 na opisina/departamento mula sa Social Sector ang sumailalim sa presentasyon ng kani-kanilang mga panukalang program, protekto, at aktibidad para sa susunod na taon.
Ang pagbalangkas ng AIP para sa susunod na taon ay dumaraan sa isang "iterative process" kaya naman hindi nagtatapos sa marathon presentation ang pagbuo nito. Matapos ang first round ng presentation ay sasailalim pa ang mga panukalang AIP sa ilang pagsusuri kung saan magkakaroon ng prayoritisasyon at pagsiguro na walang mga programa, proyekto, at aktibidad (PPAs) mula sa iba't-ibang departamento/opisina ang nagkakaroon ng "duplication" bagkus, magkaroon ng kolaborasyon sa pagitan ng mga ito para maipatupad ang mga nasabing PPAs.
----
Katulad ng mga naunang marathon presentation, bago nagsimula ito ay nagbigay ng overview tungkol sa magiging takbo ng panuntunan at nagbigay ng guidelines at ilang paalala sa mga opisina tungkol sa pagbalangkas ng AIP si EnP Priscella Mejillano, City Planning and Development Coordinator ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Ang AIP presentation ng mga opisina/departamento ang naglalaman ng mga panukalang programa, proyekto, aktibidad, kasama ang katumbas na budget allocation ng mga ito para sa susunod na taon.
Bawat opisina ay binigyan ng 10 minuto para sa presentation at pagkatapos nito ay nagtatanong at nagbibigay ng inputs ang mga miyembro ng Local Finance Committee (LFC) at Mainstreaming and Attribution Offices. Bukod sa mga ito ay kabilang din sa umuupo sa AIP presentations ang representante mula sa Civil Society Organization (CSO) Desk mula sa Office of the City Mayor para masiguro na nai-consider rin sa AIP ang mga panukalang programa/proyekto na nabalangkas ng mga miyembro ng CSOs.
Ang mga nasabing AIP ay ire-revise base sa inputs mula sa marathon presentation at ipapasa muli sa City Planning and Development Office (CPDO).
Ang aktibidad na ito ay pinangasiwaan ng CPDO na in-charge sa pag-analisa at consolidate ng mga AIP ng mga opisina.
-----
Ang LFC ay na binubuo ng mga kinatawan mula sa Office of the City Mayor, Office of the Administrator, Office of the City Treasurer, City Accounting Office, City Budget Office, at City Planning and Development Office.
Samantala, kabilang naman sa Mainstreaming at Attribution Offices ang Disaster Risk Reduction and Management Office, City Engineering Department, City Social Welfare and Development Office, Gender and Development Office, Management Information Systems Office, Office of General Services, at Human Resource Development Office na nangagasiwa sa Statutory and Mandatory Obligations (SMOs) ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at mga opisina na may hawak ng capacity and development; information, communication, and technology equipment and supplies; at common-use supplies.