IN PHOTOS: DAY 3 NG MARATHON PRESENTATION NG ANNUAL INVESTMENT PROGRAM PARA SA TAONG 2025

April 12, 2024



Apat na opisina/departamento mula sa Social Sector ang sumailalim sa Marathon Presentation ng panukalang Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2025 kahapon, April 11, 2024 sa Executive Lounge.
Bagamat apat lamang ang nag-present ay mahaba ang naging diskusyon dahil mga opisina/departamento na nakatutok sa kalusugan (dalawang City-owned hospital at City Health Department) at social welfare (City Social Welfare and Development Office) ang sumailalim sa marathon presentation.
Bawat opisina ay binigyan ng 10 minuto para sa presentation at pagkatapos nito ay nagtatanong at nagbibigay ng inputs ang mga miyembro ng Local Finance Committee (LFC) at Mainstreaming and Attribution Offices. Bukod sa mga ito ay kabilang din sa umuupo sa AIP presentations ang representante mula sa Civil Society Organization (CSO) Desk mula sa Office of the City Mayor para masiguro na nai-consider rin sa AIP ang mga panukalang programa/proyekto na nabalangkas ng mga miyembro ng CSOs.
Ang AIP presentation ng mga opisina/departamento ang naglalaman ng mga panukalang programa, proyekto, aktibidad, kasama ang katumbas na budget allocation ng mga ito para sa susunod na taon.
Katulad ng naunang marathon presentation, bago nagsimula ito ay nagbigay ng overview tungkol sa magiging takbo ng panuntunan at nagbigay ng guidelines at ilang paalala sa mga opisina tungkol sa pagbalangkas ng AIP si EnP Priscella Mejillano, City Planning and Development Coordinator ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig. Ang mga nasabing AIP ay ire-revise base sa inputs mula sa marathon presentation at ipapasa muli sa CPDO.
Ngayong araw inaasahan na matapos ang 2025 AIP marathon presentation para sa mga natitirang opisina/departamento na nasa ilalim ng Social Sector, ang pinakamalaking sector sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig na binubuo ng iba't ibang sub-sectors (Housing; Education, Sports, and Recreation; Welfare; at Public Safety).
Ang aktibidad na ito ay pinangasiwaan ng City Planning and Development Office na in-charge sa pag-analisa at consolidate ng mga AIP ng mga opisina.
-----
Ang LFC ay na binubuo ng mga kinatawan mula sa Office of the City Mayor, Office of the Administrator, Office of the City Treasurer, City Accounting Office, City Budget Office, at City Planning and Development Office.
Samantala, kabilang naman sa Mainstreaming at Attribution Offices ang Disaster Risk Reduction and Management Office, City Engineering Department, City Social Welfare and Development Office, Gender and Development Office, Management Information Systems Office, Office of General Services, at Human Resource Development Office na nangagasiwa sa Statutory and Mandatory Obligations (SMOs) ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at mga opisina na may hawak ng capacity and development; information, communication, and technology equipment and supplies; at common-use supplies.