IN PHOTOS: DAY 3 NG 2023 ANNUAL ACCOMPLISHMENT REPORT MARATHON PRESENTATION
February 22, 2024
Sa huling araw ng marathon presentation, mga opisina/departamento mula sa Institutional Sector (na nahahati sa dalawang subsectors: Governance and Administration at Fiscal, Regulatory, and Economic Services) ang sumailalim sa presentasyon ng kani-kanilang 2023 Annual Accomplishment Reports (AARs).
---
Bawat departamento/opisina ay binigyan ng 10 -15 minuto para i-present sa mga miyembro ng Local Finance Committe at Mayor Vico Sotto ang kanilang naging major accomplishments noong nakaraang taon.
Bukod sa accomplishments, parte rin ng naging presentasyon ang status ng mga programa, proyekto, at aktibidad (PPA) at report tungkol sa naging paggamit sa pondo na inilaan kada opisina noong 2023. Kasama rin sa reporting ang mga dahilan o naging hadlang kung kaya't hindi natapos ang implementasyon o hindi natuloy ang anumang PPA.
May parte rin ang AAR presentation na forward looking dahil maging ang bilang ng PPAs at aprubadong pondo para sa personal servinces (PS), maintenance and other operating expenses (MOOE), at capital (CO) kada opisina/departamento para sa kasalukuyang taon (2024). Bawat opisina/departmento rin ay naglatag ng kanilang strategies kung paano masisiguro na maipapatupad ang mga aprubadong PPA at magagamit nang wasto ang aprubadong budget para sa taong 2024.
Kada matapos ang presentasyon ng bawat opisina ay nakakapagtanong o bigay ng suhestiyon sina Mayor Vico Sotto at mga miyembro ng Local Finance Committee (Office of the City Administrator, Office of the City Mayor, City Treasurers Office, City Budget Office, City Accounting Office) sa mga ito.
Ang pagsasagawa ng AAR presentations ay pinangagasiwaan ng City Planning and Development Office.