IN PHOTOS: DAY 1 NG 2023 ANNUAL ACCOMPLISHMENT REPORT PRESENTATION MARATHON
February 20, 2024
Sumabak ang nasa 15 na departamento/opisina sa ilalim ng Environment Sector, Infrastructure Sector, at Economic Sector sa presentasyon ng kani-kanilang Annual Accomplishment Report (AAR) para sa taong 2023 ngayong araw, February 20, 2024 na ginanap sa People's Hall ng Pasig City Hall.
Bukod sa accomplishments, parte rin ng naging presentasyon ang status ng mga programa, proyekto, at aktibidad (PPA) at report tungkol sa naging paggamit sa pondo na inilaan kada opisina noong 2023. Kasama rin sa reporting ang mga dahilan o naging hadlang kung kaya't hindi natapos ang implementasyon o hindi natuloy ang anumang PPA.
May parte rin ang AAR presentation na forward looking dahil maging ang bilang ng PPAs at aprubadong pondo para sa personal servinces (PS), maintenance and other operating expenses (MOOE), at capital (CO) kada opisina/departamento para sa kasalukuyang taon (2024). Bawat opisina/departmento rin ay naglatag ng kanilang strategies kung paano masisiguro na maipapatupad ang mga aprubadong PPA at magagamit nang wasto ang aprubadong budget para sa taong 2024.
Kada matapos ang presentasyon ng bawat opisina ay nakakapagtanong o bigay ng suhestiyon sina Mayor Vico Sotto at mga miyembro ng Local Finance Committee (Office of the City Administrator, Office of the City Mayor, City Treasurers Office, City Budget Office, City Accounting Office) sa mga ito.
Ang pagsasagawa ng AAR presentations ay pinangagasiwaan ng City Planning and Development Office. Naka-schedule ang mga natitira pang opisina/departamento para sa AAR presentation bukas hanggang sa Huwebes (February 21-22, 2024).