IN PHOTOS: CULMINATING ACTIVITY NG NATIONAL CHILDREN’S MONTH CELEBRATION
December 3, 2024
IN PHOTOS: CULMINATING ACTIVITY NG NATIONAL CHILDREN’S MONTH CELEBRATION
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-32 National Children’s Month, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang Children’s Congress, Children’s Summit, at State of the Children Address noong Biyernes, November 29, 2024, sa Kapitolyo Amphitheater, Brgy. Kapitolyo, Pasig City.
Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating a Safe Philippines!”, na naglalayong pagtibayin ang kaligtasan at proteksyon ng bawat bata. Naging matagumpay ang month-long celebration na ito sa pangunguna ng Pasig City Social Welfare and Development Office, katuwang ang Pasig City Council for the Protection of Children (PCCPC) at iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan.
Dinaluhan ito ng 1,167 na bata at kabataang Pasigueño, kasama ang kanilang mga magulang, guro, at kaibigan. Dumalo rin bilang espesyal na bisita ang mga opisyal ng lungsod. Nagbigay ng mensahe si Councilor Syvel Asilo-Gupilan, Chairperson ng Committee on Children’s Affairs ng 11th Sangguniang Panlungsod, kung saan pinasalamatan niya ang mga batang dumalo at ang lahat ng taong nasa likod ng matagumpay na selebrasyong ito.
Kasama rin si Councilor Maria Luisa “Angelu” de Leon, Chairperson ng Committee on Social Services and Solo Parents Affairs, na binigyang-diin ang kahalagahan ng ganitong mga programa bilang pagkakataon upang makuha ang mga suhestiyon ng kabataan para sa mas epektibong participatory governance. Ibinalita rin niya ang patuloy na pagtaas ng pondo para sa mga youth programs sa tulong ng iba't ibang departamento at ng Sangguniang Panlungsod.
Ang pormal na programa ay nahati sa dalawang pangunahing bahagi ang Children’s Congress at ang Chilren’s Summit at State of the Children Address. Ang Children’s Congress ay nagbigay ng pagkakataon sa mga kabataan na ipahayag ang kanilang mga karapatan, pangarap, at saloobin, at makibahagi sa makasaysayang eleksyon ng Sectoral Child Representative, na magbibigay ng official recommendation sa sa PCCPC.
Ang highlight ng culiminating activity na ito ay ang State of the Children Address ni Mayor Vico Sotto, kung saan inilatag niya ang mga bagong programs, partnerships, at policies para sa pagpapaunlad ng kabataan na ipinatupad ngayong 2024. Nagbigay siya ng update sa progreso ng mga karapatan ng kabataan sa aspeto ng survival, development, protection, at participation. Binanggit din niya ang mga tagumpay ng lungsod sa patuloy na pagiging Child-Friendly City.
Tampok din sa Summit ang iba't ibang entertainment activities, kabilang ang mga espesyal na performances mula sa mga natatanging kalahok sa month-long activities, clown show, at magic show na nagbigay saya sa mga bata. Naroon din ang Pasig City Library na namigay ng libreng reading materials upang itaguyod ang reading comprehension ng kabataan.
Nabigyan ng Certificate of Appreciation sina Senior Assistant City Prosecutor Vivien D. Balisi-Manahan, ang mga case investigators, at ang case witness na tumulong sa matagumpay na pagresolba ng isang kaso ng Trafficking in Persons sa lungsod. Nagtapos ang programa sa pagbibigay-parangal sa mga nagwagi sa iba’t ibang kompetisyong isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Bata. Abangan ang hiwalay na post para sa pagkilala sa mga nanalo.
Ang taunang aktibidad na ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng Lungsod ng Pasig sa pagpapalakas ng boses ng kabataan, pagprotekta sa kanilang mga karapatan, at pagsusulong ng kanilang kabutihan.
Balikan ang LIVE: National Children’s Month Culminating Activity | 2024 Children's Congress, Children’s Summit, and State of the Children Address mula sa sumusunod na mga link:
PART 1 - https://bit.ly/2024...
PART 2 - https://bit.ly/PasigCityNationalChildrensMonthCulmination...
Pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (Pasig Social Welfare Department)
#BuwanNgMgaBata #2024ChildrensMonth