IN PHOTOS: CSO ASSEMBLY (Batch 2 ng Accredited at Recognized Civil Society Organizations ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig)

April 25, 2023



Isang CSO Assembly ang ginanap noong Sabado, April 22, 2023 sa Tanghalang Rizal para sa Orientation ng Batch 2 Accredited at Recognized Civil Society Organizations (CSOs) ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.

Dinaluhan ng halos 200 kinatawan mula sa accredited at recognized CSOs ang nasabing orientasyon na naglalayong talakayin ang importansya ng pakikilahok ng mga mamamayan sa lokal na pamamahala; gampanin ng CSOs sa direction setting at development planning ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig; at iba't ibang mekanismo kung saan maaaring makapag-participate ang mga kinatawan ng CSOs at level ng engagement ng mga ito sa lokal na pamamahala/paggogobyerno.

Pinangunahan ng Office of the City Mayor - CSO Desk, sa tulong ng City Planning Development Office at Institute of Politics and Governance, ang pagsasagawa ng CSO Assembly.

Pagkatapos ng lectures at open forum ay nagkaroon ng Pledge of Commitment ang CSOs at pag-award ng Certificates para sa accredited at recognized CSOs ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.