IN PHOTOS: Children's Month Quiz Bee Competition

November 28, 2024

Nagtagisan ng talino at galing ang 30 Junior High School students mula sa iba’t ibang barangay ng Lungsod ng Pasig sa ginanap na Quiz Bee Competition noong Lunes, November 25, 2024, sa Kapitolyo Multipurpose Hall, Brgy. Kapitolyo, Pasig City.
Ang kompetisyon ay nahati sa tatlong rounds: elimination, semi-finals, at finals. Tinalakay ng mga kalahok ang mga paksa tulad ng History of Pasig, Culture and Heritage of Pasig, National and Local Artists and Festivals, at General Information about Pasig City. Sa bawat round, ipinakita nila ang kanilang galing at dedikasyon sa pagsagot sa mga tanong na nagbibigay-diin sa yaman ng kultura at kasaysayan ng Lungsod Pasig.
Ang mga nanguna sa kompetisyon ay sina James Pius S. Reyes mula sa Pinagbuhatan High School (1st Place), Johaira M. Lawi mula sa Pinagbuhatan High School (2nd Place), at Genesis C. Valenzuela mula sa Kapitolyo High School (3rd Place). Silang Top 3 ay tatanggap ng Certificate of Recognition at cash prizes na nagkakahalaga ng PHP 10,000 para sa 1st Place, PHP 8,000 para sa 2nd Place, at PHP 5,000 para sa 3rd Place. Bukod dito, ang iba pang kalahok ay makakatanggap ng Consolation Prize na PHP 1,000 bawat isa.
Ang mga nanalo ay pararangalan sa gaganaping Children’s Congress at State of the Children Address, ang culminating activity ng National Children’s Month ngayong taon. Magaganap ito bukas, November 29, 2024 sa Kapitolyo Amphitheater.
Ang aktibidad na ito ay inorganisa ng Pasig City Social Welfare and Development Office at sa pakikipagtulungan ng Pasig City Cultural Affairs and Tourism Office kaugnay pa rin ang selebrasyon ng ika-32 National Children’s Month na may temang “Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating a Safe Philippines!"
Abangan ang iba pang mga itatampok, at patuloy nating suportahan ang ating mga kabataang Pasigueño.