IN PHOTOS: Binibining Trans Pasigueña 2024 Coronation Night
December 6, 2024
Isang gabing punong-puno ng selebrasyon ng pagkakapantay-pantay ang naganap sa Binibining Trans Pasigueña 2024 Coronation Night kagabi, December 5, 2024 sa Tanghalang Pasigueño, kung saan kinoronahan bilang Binibining Trans Pasigueña 2024 si Kim Tabora.
Samantala, itinanghal naman bilang 1st Runner-Up si Roxy Barcelona habang nakamit naman ni Polly Villarino ang 2nd Runner-Up. Pinarangalan bilang 3rd Runner-Up si Justmitch Estenzo at 4th Runner-Up si Ashley Nicole Villegas.
Higit sa isang kompetisyon ng kagandahan, ang gabing ito ay bahagi rin ng paggunita ng World AIDS Day sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig. Layunin ng okasyon na ito na palawakin ang kaalaman at kamalayan ng bawat isa tungkol sa HIV/AIDS.
Bukod dito, layunin din ng patimpalak na ito na may temang “Awareness. Empowerment. Equality: Championing Health for all Identities,” na itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng bawat mamamayan at ipakita ang dedikasyon ng bawat kalahok sa kanilang mga adbokasiya para sa kalusugan, karapatan, at kapakanan ng LGBTQIA+ community sa Lungsod ng Pasig.
Ang Binibining Trans Pasigueña 2024 ay hindi lamang isang kompetisyon, kundi ito ay isang makabuluhang inisyatibo na naglalayong isulong ang mas ligtas at mas inklusibong lungsod para sa lahat ng mamamayan sa Lungsod ng Pasig.
Maliban sa paggawad ng Binibining Trans Pasigueña 2024 Crown, iginawad din ang mga sumusunod na Special Award:
- Best in Long Gown: Polly Villarino
- Best in Costume: Roxy Barcelona
- Ms. Social Media Choice Award: Justmitch Estenzo
- Ms. HIV Testing Champion: Roxy Barcelona
- Ms. HIV Testing Champion 1st Runner-Up: Ashley Nicole Villegas
- Ms. HIV Testing Champion 2nd Runner-Up: Justmitch Estenzo
- Ms. Photogenic: Polly Villarino
- Best in Casual Wear: Polly Villarino
Bilang bahagi rin ng programa, ginawaran ng Gawad Pagkilala ang mga indibidwal, ospital, at organisasyon na naging katuwang ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa HIV/AIDS. Ang nasabing pagkilala ay paraan ng pagpapasalamat ng lokal na pamahalaan sa kanilang mahalagang kontribusyon para isulong ang pagpapataas ng kamalayan ng komunidad tungkol sa usapin ng HIV/AIDS.
Ang Binibining Trans Pasigueña 2024 ay naging posible sa pangunguna ng City Health Department - Pasig City Social Hygiene Clinic / Pasig Treatment Hub bilang pagsusulong sa insyatibong Mas ligtas, Mas happy Pasig City!