IN PHOTOS: Bibong Bulilit: Talent Showcase 2024
November 18, 2024
Idinaos ang Bibong Bulilit: Talent Showcase noong Biyernes, November 15, 2024, sa Temporary Pasig City Hall bilang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa selebrasyon ng ika-32 National Children’s Month.
Layon nitong bigyan ng pagkakataon na maibida ang talento ng mga kabataang Pasigueño. Ang aktibidad na ito ay nilahukan ng 12 Persons with Autism at Persons with Down Syndrome mula sa mga barangay sa Pasig. Sa patimpalak na ito, bukod sa pagpapakitang gilas sa pagsayaw at pagkanta, nagpamalas din ang mga kalahok ng kanilang talino sa pagsagot sa quizzes at iba pa. Dumalo rin sa programa ang pamilya at mga kamag-anak ng participants bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa mga kalahok.
Ang nagwagi sa patimpalak na ito ay iaanunsyo at pararangalan sa Children’s Congress o ang Culminating Activity ng 2024 National Children’s Month Celebration sa Lungsod sa November 29, 2024, Biyernes, 08:00AM na gaganapin sa Kapitolyo Amphitheater. Tampok din sa event na ito ang State of the Children Address 2024 na ibabahagi ni Mayor Vico Sotto.
Naging makabuluhan at matagumpay ang pagsagawa ng programang ito sa pangunguna ng Pasig City Social Welfare and Development Office, sa pakikipagtulungan nito sa Pasig City Persons with Disability Affairs Office, pati na rin sa Pasig City Library na namahagi ng children's books bilang paraan para mapaunlad ang literacy at reading culture ng mga kabataan.