IN PHOTOS: BATCH 1 PUBLIC HEARING PARA SA PASIG CITY COMPREHENSIVE LAND AND WATER USE PLAN (CLWUP) AT ZONING ORDINANCE (ZO) 2023-2031
December 12, 2023
Nasa 110 representante mula sa siyam (9) na barangay: Dela Paz, Kapitolyo, Maybunga, Manggahan, Pinagbuhatan, Rosario, San Miguel, Santolan, at Sta. Lucia na mula sa iba't-ibang sektor ang lumahok sa unang batch ng Public Hearing para sa CLWUP at ZO na ginanap ngayong araw, December 12, 2023.
Parte ng Public Hearing ang naging presentasyon ng kahalagahan ng CLWUP at ZO at kung paano makakaapekto ang mga ito sa mga Pasigueño at sa Lungsod ng Pasig. Highlight naman ang naging presentasyon tungkol sa salient features ng dalawang dokumento at maging ang bagong Zoning Maps kada barangay na kasama sa unang batch ng public hearing. Sa Barangay Zoning Map tinutukoy kung ano ang maaaring maging gamit ng isang area sa bawat barangay (hal. residential , commercial, mixed used development, atbp).
Sa pagtatapos ng mga naging presentasyon, binigyang pagkakataon ang mga dumalo para makapagtanong at bigay ng inputs o suhestiyon tungkol sa mga naging naunang discussion sa public hearing. Bukod pa rito, sinagot din ang mga katanungan na mula naman sa Facebook Live comments ng naging Public Hearing.
Ang pagsasagawa ng Public Hearing para sa CLWUP at ZO ay pinangunahan ng tanggapan ni Konsehal Kiko Rustia, ang Chair 11th Sangguniang Panlungsod Committee on Land Use, na may technical assistance mula sa City Planning and Development Office. Ang Public Hearing ay isa sa mga mekanismo na ipinatutupad ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para masiguro ang participatory governance o inklusibong paggogobyerno sa Pasig sa pamamagitan ng pagkuha ng saloobin ng mga Pasigueño at iba pang stakeholders na maaapektuhan sa mga panukalang ordinansa at long-term plans ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
---
May batch 2 at batch 3 pa ang public hearing para sa CLWUP at ZO bukas, December 13, 2023, para sa natitirang 21 barangay! Para makapag-pre-register, i-access ang link na ito: https://tinyurl.com/PasigZOPublicHearing-RegForm
Gustong balikan ang naganap sa batch 1 public hearing kanina? I-access ang Facebook live sa link na ito: https://bit.ly/PH_CLWUP_ZO_Batch1
Live muli ang Batch 2 at Batch 3 ng Public Hearing bukas, kaya kita kits!