IN PHOTOS: BACK-TO-BACK ACTIVITIES SA MAYBUNGA RAINFOREST PARK

January 17, 2024



Jumpacked ang naging umaga noong Biyernes, January 12, 2024, sa Maybunga Rainforest Park dala ng back-to-back activities na idinaos roon.
Nagkaroon ng inagusrasyon at blessing ng renovated areas sa Maybunga Rainforest Park kabilang ang: Senior Citizen's Park, Kiddie Playland, Butterfly House, Picnic Area, at iba pa.
Kasunod ang naging unveiling ng marker na nagdedeklara sa Maybunga Rainforest Park bilang isang permanent protected area sa Pasig. Matatandaang noong January 12 din ng 2023 ay nagpasa ng ordinansa ang Sangguniang Panlungsod ng Pasig na isinulat ni Councilor Pao Santiago: ang Ordinance No. 6, s. 2023 o ang Pasig City Rainforest Park Ordinance. Bukod sa deklarasyon bilang protected area, noon din opisyal na tinawag na ito bilang Maybunga Rainforest Park.
Noon ay nasa halos 9-hectares ang kabuuan ng Rainforest na ito, ngunit ngayon ay nasa 6.2 hectares na lang ang natira rito, kaya naman layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na proteksyunan ito at mapreserba para sa mga susunod pang henerasyon ng mga PasigueƱo.
Sinundan din ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, Rizal Technological University (RTU), at Department of Science and Technology (DOST) kaugnay ang Solar Power Automated Modular Mushroom Growing House na kabilang din sa naging blessing ng mga pasilidad sa Maybunga Rainforest Park. Nagsilbing signatory sa MOA bukod kay Mayor Vico Sotto sina Dr. Ma. Eugenia Yangco, Universirty President ng RTU at Engr. Romelen Tresvalles, Regional Director ng DOST - National Capital Region.
Parte rin ng naging programa para sa tatlong aktibidad na ito ang pagbibigay ng Messages of Solidarity mula sa mga representante ng RTU at DOST-NCR na siya ring lumagda sa MOA, at Councilor Santiago. Nagbigay din ng mensahe sina Sangguniang Panlungsod Committee on Environmental Protection and Human Ecology Chairperson Kiko Rustia, Congressman Roman Romulo, Vice Mayor Dodot Jaworski, at Mayor Vico Sotto.
Nagpakitang gilas din ang RTU-Grand Alumni Association, Inc. Singers at ang Pasig City Dance Sports atheletes bilang parte ng palatuntunan na ito.