IN PHOTOS | Araw ng Kalusugan para sa Araw ng Pasig 2025
July 1, 2025

๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐๐๐๐
Matagumpay na naisagawa ang ibaโt ibang programang pangkalusugan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig bilang bahagi ng selebrasyon ng Araw ng Pasig 2025 ngayong araw, July 1, 2025.
Una na sa mga programang naisagawa sa Temporary Pasig City Hall ay ang ๐๐ข๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐ ๐๐ง๐๐ฎ๐ฆ๐จ๐ง๐ข๐ para sa 1,000 senior citizens at persons with comorbidities. Ang mga benepisyaryo ay napili mula sa mahigit 1,600 registrants sa online registration at nakatanggap ng confirmation message mula sa Immunization Program ng City Health Department (CHD) na nagsasabi na sila ay eligible makatanggap ng bakuna.
Kasabay ng bakunahan ay ang ๐๐ข๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ฌ๐จ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐ฎ๐๐งฬ๐จ para sa 56 na indibidwal, partikular na ang mga senior citizens at mas bata pang Pasigueรฑo na nangangailangan ng full dentures. Ang mga nabigyan ng libreng pustiso ay ang mga karaniwang pasyente na regular na nagpapakonsulta at naga-avail ng dental services sa Barangay Health Centers sa lungsod. Sa programang ito, kitang-kita na ang mga benepisyaryo ay nabigyan ng panibagong ngiti at kumpiyansa sa kanilang mga sarili dahil sa kanilang mga bagong pustiso.
Para sa kaalaman ng lahat, ang libreng pustiso ay parte ng continuing program ng CHD. Para makapag-avail, magtungo lamang sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar at hanapin ang assigned dentist upang makapagparehistro at malaman ang iba pang detalye tungkol sa programa.
Isa rin sa mga programang pangkalusugan na ginanap sa Temporary Pasig City Hall ay ang ๐๐ข๐๐ค ๐๐๐ ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก na may temang โFood at Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!โ
Bilang bahagi ng programang ito, namahagi ng mga punlang namumunga at buto ng gulay sa mga empleyado ng Pasig City Hall at sa mga dumalo mula sa iba pang programang pangkalusugan ngayong araw. Layunin ng pamamahagi na ito na maitaguyod ang sapat na nutrisyon at matiyak na ang bawat tahanan sa Lungsod ng Pasig ay may access sa masustansyang pagkain.
Bukod dito, nagsagawa rin ng munting laro ang Pasig City Nutrition Committee, katuwang ang ibaโt ibang partners na nagbigay ng kanilang fortified food products. Sa pamamagitan ng munting laro, mas naipakilala sa mga kalahok ang kahalagahan ng pagkain ng prutas, gulay, at isda.
Nagbigay din ng vitamins at iba pang uri ng gamot ang Pasig City Medical Supply Depot para sa mga dumalo sa aktibidad.
โ
Samantala, isinagawa rin ngayong araw ang launching ng ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐๐ซ๐: ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐ก๐๐๐ค ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐๐ง๐ฌ na ginanap sa Brgy. Sta. Lucia Covered Court. Sa programang ito, maaari nang makapagpa-Annual Physical Examination ang lahat ng senior citizens ng lungsod tuwing buwan ng kanilang kaarawan o tuwing sasapit ang kanilang ๐๐๐ง๐ฉ๐ ๐ข๐ค๐ฃ๐ฉ๐.
Sa launching ng programa, nasa 41 senior citizens ang natanggap ng libreng medical services gaya ng mga sumusunod: Complete Blood Count (CBC), Urinalysis, Blood Chemistry, X-ray, at iba pa.
Para sa senior citizens na nais mag-avail ng libreng programa na ito, magtungo lamang sa pinakamalapit na Super Health Center sa inyong lugar, o bumisita sa Pasig CHAMP o Pasig City Sports Center anumang araw ng inyong birth month, at huwag kalimutang dalhin ang inyong Senior Citizen ID.
#ArawNgPasig2025 #KalusugangPangkalahatan