IN PHOTOS: Araw ng Kalayaan 2023 Job Fair: “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan”

June 13, 2023






















Nasa 137 ang hired-on-the-spot sa ginanap na Araw ng Kalayaan 2023 Job Fair kahapon, June 12, 2023, sa Rizal High School Gymnasium. 

Samantala, nasa 314 naman ang near hires o ang mga aplikante na sasailalim pa sa second/final interview upang tuluyang matanggap sa trabaho/kompanya na kanilang inapplyan. (Ang isang aplikante ay maaaring maging near hire sa higit sa isang kumpanya.)

Bukod sa Araw ng Kalayaan, nagkaroon din ng observance ng World Day Against Child Labor sa pangunguna ng Department of Labor and Employment (DOLE) at pakikipagtulungan sa Pasig City Public Employment Service Office (PESO). Kaugnay nito ay naganap ang “Project Angel Tree” na nabuo para sa Child Labor Prevention and Elimination Program ng DOLE. Nasa 50 beneficiaries o tinatawag na mga Batang Malaya ang nakatanggap ng free medical check-up, hygiene kits, groceries, pagkain, at iba pa mula sa sponsors na mga kompanya na kabilang sa Tripartite Industrial Peace Council. 

Nakatanggap din ang 25 magulang ng mga Batang Malaya ng tig-16 kaban ng bigas mula sa DOLE bilang livelihood assistance sa mga ito.  

Naging highlight din ng nasabing programa ang pormal na pagpirma  sa Implementing Rules and Regulations o IRR ng ordinansa para maitatag ang Tripartite Industrial Peace Council (TIPC), isang mekanismo upang mas maging maayos ang ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan, mga employer, at mga employee sa Lungsod ng Pasig. May kinatawan din mula sa DOLE-National Capital Region sa TIPC. 

——-

Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, maraming salamat sa lahat ng Pasigueño na lumahok sa Araw ng Kalayaan 2023 Job Fair at maging sa iba pang aktibidad na naganap kahapon. 

Lubos din ang aming pasasalamat sa mga kompanya at ilang sangay ng pamahalaan na nakiisa upang mabigyan ng pagkakataong makapaghanapbuhay ang mga Pasigueño. 

Kita-kits sa mga susunod nating Job Fair, Pasigueños!