IN PHOTOS" 5TH CITY DEVELOPMENT COUNCIL MEETING
December 28, 2023
IN PHOTOS: 5TH CITY DEVELOPMENT COUNCIL MEETING
Nagtipon ang mga mga kinatawan ng City Development Council (CDC) ngayong araw, December 28, 2023, sa Chardonnay by Astoria, Oranbo, Pasig City, para sa ikalima at huling council meeting para sa taong ito.
Higit sa isang daang participants ang dumalo sa CDC meeting na binubuo ng mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, mga kinatawan mula sa civil society organizations sa ating lungsod, barangay chairmans at kani-kanilang representatives, mga hepe ng iba’t ibang departments at offices ng lokal na pamahalaan, at kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) – Pasig Field Office.
Hitik sa kaganapan ang CDC meeting kung saan naging unang agenda ang presentasyon ng Accomplishment Report nito para sa taong 2023. Sa presentasyon na pinangunahan ni EnP. Priscella B. Mejillano, MGM, hepe ng City Planning and Development Office (CPDO), tinalakay ang resolutions na ipinasa ng CDC na opisyal nang inindorso sa 11th Sangguniang Panlungsod. Bukod pa rito, ibinahagi rin niya ang mga nakatakdang proyekto para sa taong 2024, ilan sa mga ito ang redevelopment ng Pasig City Hall Campus; temporary relocation ng Pasig City Hall upang masiguro na patuloy ang pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan; at pagpapalawig ng scholarship at social welfare programs ng lungsod.
Matapos ang presentasyon ng 2023 Accomplishment Report, pormal namang ipinakilala ang mga newly-elected at re-elected Punong Barangay ng Lungsod ng Pasig bilang mga opisyal na miyembro ng CDC sa pangugnuna naman ni Dir. Visitacion Martinez ng DILG-Pasig Field Office. Sinundan naman ito ng presentasyon tungkol sa mandato, roles, at responsibilities ng CDC.
Bago nagtapos ang CDC ay nagkaroon din ng paggawad ng Certificate of Appreciation sa mga natatanging miyembro ng CDC na siyang naging katuwang ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig upang maging posible at matagumpay ang bawat proyekto at programa.
Ang pagsasagawa ng CDC ay pinangunahan ng CPDO na nagsisilbing Secretariat nito.