IN PHOTOS: 23RD BAMBINO GRAND PARADE

January 21, 2024



Isang makabuluhang selebrasyon ng ika-23 Bambino Grand Festival na may temang “Bambino De Pasig, Bukal ng Patuloy na Umaagos na Pag-asa ng mga Pasigueño na Namamanata sa Kanya” ang naganap sa Lungsod ng Pasig ngayong araw, January 21, 2024.
Highlight ng nasabing selebrasyon ang Bambino Grand Parade kung saan tampok ang mga karosa na naglululan ng iba’t ibang imahen ng Banal na Sanggol na si Hesus. Bukod sa mga karosa, bitbit din ng mga deboto ang kani-kanilang imahen ni Sto. Niño. Bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan na muling maipagdiwang ang kapistahang ito.
Bukod dito, muli ring nasilayan ang Bambino de Pasig na siyang simbolo ng Bambino Festival. Pinaniniwalaan na ang imahen na ito ay sumisimbolo sa kahalagahan ng Banal na Sanggol na si Hesus sa buhay ng mga Pasigueño.
Present sa Bambino Grand Parade ang mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, mga barangay, at mga organisasyon mula sa simbahan. Sa pagtatapos ng parada, dumaan ang mga karosa at deboto sa harap ng Immaculate Conception Cathedral kung saan naganap ang pagbabasbas ng Banal na Tubig.
Bilang pagpapatuloy ng Kapistahan ng Mahal na Señor Sto. Niño, iniimbitahan ang lahat na tunghayan ang Bambino Exhibit tampok ang iba’t ibang imahen ni Sto. Niño. Ito ay magsisimula sa January 29 hanggang February 11, 2024, mula 11:00AM hanggang 08:00PM sa 2/F SM City East Ortigas.
Viva Señor Sto. Niño!