IN PHOTOS: 2025 ANNUAL INVESTMENT PROGRAM FIRST- LEVEL PRIORITIZATION
May 8, 2024
Nagtipon ang nasa halos 150 participants na binubuo ng mga hepe at technical officer ng mga departamento/opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, kasama ang mga kinatawan ng civil society organizations (CSOs) ng City Development Council (CDC) para sa First-Level Prioritization ng 2025 Annual Investment Program noong Lunes, May 6, 2024.
Bago nag-umpisa ang prioritization exercise ay nagkaroon muna ng orientation kung bakit kinakailangang gawin ang screening at prioritization at paano ito gagawin. Nagkaroon ng presentasyon ng latest version ng 2025 AIP (na dumaan sa mainstreaming at cleansing process) kada sectoral committee (institutional, environment, infrastructure, economic, at social [subsectors: education, health, social protection, housing, public safety]).
Pagkatapos nito ay ang aktwal nang screening at prioritization kada departamento/opisina, kung saan ang bawat panukalang PPA ay ire-rate ng positive (+), negative (-), at neutral (0) ayon sa impact/epekto nito sa natural (environment), human resources, financial, infrastructure, at alignment ng mga ito sa major plans (i.e., Comprehensive Development Plan, Comprehensive Land and Water Use Plan, Executive Legislative Agenda, Local Climate Change Action Plan, Local Disaster Risk Reduction and Management Plan, Devolution Transition Plan, at Capacity Development Agenda). Samantala, naging parte rin ng proseso na ito ang CSO members ng CDC. Nauna na rin silang nakapag-input sa 2025 AIP Formulation Process nung sila ay binigyang pagkakataon na bumalangkas ng project proposals na ipinasa sa implementing offices para sa kanilang konsiderasyon na maisama sa kanilang AIP.
Nang matapos ang pag-rate ng PPAs ay nagkaroon naman ng ranking ng mga ito para matukoy kung ano ang mga dapat iprioritize ayon sa PRIM project screening and prioritization process. Ipinasang muli ang mga panukalang AIP ng mga departamento/opisina na mayroon nang ranking ayon sa screening at prioritization sa City Planning and Development Office (CPDO).
---
Ang pagbalangkas ng AIP para sa susunod na taon ay dumaraan sa isang "iterative process" kaya naman hindi nagtatapos sa first-level prioritization ito. Matapos ang naging marathon presentation noong April ay sumailalim pa ang mga panukalang AIP sa ilang pagsusuri kung saan magkakaroon ng prayoritisasyon at pagsiguro na walang mga PPA mula sa iba't-ibang departamento/opisina ang nagkakaroon ng "duplication" bagkus, magkaroon ng kolaborasyon sa pagitan ng mga ito para maipatupad ang mga nasabing PPAs.
Ang aktibidad na ito ay pinangasiwaan ng CPDO na in-charge sa pag-analisa at consolidate ng mga AIP ng mga opisina.