IN PHOTOS: 2024 Urban Governance Exemplary Awards
October 29, 2024
Nakapagkamit ng anim na awards ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa ginanap na 2024 Urban Governance Exemplary Awards kahapon, October 28, 2024.
Layunin ng nasabing event na pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government - National Capital Region (DILG-NCR) na kilalalin ang mga naging kontribusyon ng mga lokal na pamahalaan sa Kalakhang Maynila, lalo na sa pagpapatupad at pagsuporta ng iba't ibang batas at polisiya mula sa nasyunal na pamahalaan.
Bukod sa pagkilala sa 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay binigyang parangal din ang mga partner na tanggapan ng DILG-NCR mula rin sa nasyunal na pamahalaan at ilang non-government organizations/civil society organizations/local research institutes din sa Metro Manila.
Para sa taong ito, nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa tulong at suporta rin ng DILG - Pasig Field Office ang mga sumusunod na awards:
• HIGHLY FUNCTIONAL | 2024 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit
• HIGH PERFORMING | 2024 Peace and Order Council (POC) Performance Audit |
• IDEAL FUNCTIONAL | 2023 Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Audit |
• HIGHLY FUNCTIONAL | 2023 Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) Functionality Audit
• HIGHLY COMPLIANT | Manila Bay Clean up, Rehabilitation and Preservation (MBCRP) LGU Compliance Assessment
• TOP PERFORMING LGU | Regional Subaybayan Performance
Pinangunahan nina (ayon sa pagkakasunud-sunod sa photos) Mr. Al Edralin ng Office of the City Mayor, Atty. Tomic Apacible ng Office of the City Administrator, City Planning and Development Coordinator Priscella Mejillano, City Social Welfare and Development Office Head Ms. Teresa Briones, Pasig City Anti-Drug Abuse Office Head Ms. Zenaida Concepcion; City Environment and Natural Resources Office /Solid Waste Management Office representative of Mr. Allendri Angeles - Ms Jilyn Vasquez; Mr. Manny Manato ng Pasig Urban Settlements Office, City Engineering Office Head Engr. Artaxerxes Geronimo, at Department of the Interior and Local Government - Pasig City Director Visitacion Martinez, CESO V ang pagtanggap ng mga nasabing pagkilala para sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Gustong balikan ang mga kaganapan sa 2024 Urban Governance Exemplary Awards? Mapapanuod ito sa link na: https://bit.ly/DILG_2024UGEAwards