IN PHOTOS: 2024 REGIONAL FESTIVAL OF TALENTS OPENING CEREMONY

April 26, 2024



Nagpakitang gilas ang mga estudyante na representante ng 16 schools division offices (SDOs) sa National Capital Region (NCR) sa opisyal na pagbubukas ng 2024 Regional Festival of Talents (RFOT) na ginanap kahapon, April 25, 2024 sa Rizal High School.
Para sa taong ito, ang tema ay "Galing, Talino, at Husay ng mga Batang Makabansa sa Diwa ng Matatag na Adhika" at ang SDO ng Lungsod ng Pasig ang host ng Regional RFOT sa NCR. Ang Festival of Talents ay taunang aktibidad ng Department of Education na layong bigyan ng venue ang mga elementary at secondary school students na mai-showcase ang kanilang mga talento at kakayahan mula sa mga natutunan nilang competencies sa kanilang mga paaralan.
Sa ilalim ng RFOT, nasa walong (8) ang major contests ang pinaglalabanan (Special Needs Education, Musabaqah, Population Development, Sining Tanghalan, STEMazing, Technolympics, Read-a-Thon, at Lingo Star). Bawat major contest ay may mga categories pa.
Bilang parte ng Opening Ceremony ay nagkaroon ng preliminaries ng Bayle sa Kalye, kung saan lima (5) sa 16 SDOs na mananalo ay babalik para sa finals na gaganapin bukas, April 27, 2024. Ang mga representante mula sa SDO ng Malabon, Manila, Marikina, Navotas, at Pasig ang maglalaban bukas sa finals ng Bayle sa Kalye.