IN PHOTOS: 2024 Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig

November 14, 2024

Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa isinagawang Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong hapon, November 14, 2024, sa pangunguna ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).
Para sa 4th Quarter NSED, sabay na nagdaos ng earthquake drill sa Temporary City Hall at Pasig City Hall kung saan sa hudyat ng sirena, sabay-sabay na nag-“Duck, Cover, and Hold” ang mga empleyado maging ang mga bisita nito. Matapos ang isang minutong pagtunog ng sirena, agad na nagtungo ang mga lumahok sa nasabing drill sa kani-kaniyang designated evacuation areas.
Bahagi rin ng drill ang inspeksyon ng mga posibleng pinsala or sira sa parehong gusali, na pinangunahan ng DRRMO, City Engineering Office, at Office of the Building Official. Matapos ang inspeksyon, pinabalik na rin sa loob ng gusali ang mga empleyado maging ang mga bisita upang ipagpatuloy ang operasyon ng City Hall.
Pinapaalala sa lahat na ugaliing makiisa sa NSED dahil ang mga inisyatibo na gaya nito ay mahalaga upang masiguro na ang bawat isa ay handa sakaling makaranas ng paglindol o anumang sakuna sa Lungsod ng Pasig.