IN PHOTOS: 2024 Certification Day ng Barangay Computer Literacy Program

August 13, 2024



IN PHOTOS: 2024 Certification Day ng Barangay Computer Literacy Program
Nasa 1,163 completers mula sa iba't ibang barangay at Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang nagsipagtapos ngayong araw, August 13, 2024, sa Certification Day ng Barangay Computer Literacy Program o BCLP na ginanap sa Rizal High School Gymnasium sa ilalim ng temang: Skilled Graduates: Empowered in Sharing the Future.
Ipinaabot nina Mayor Vico Sotto, Vice Mayor Dodot Jaworski, Konsehal Simon Tantoco (para sa District 1), at Konsehal Angelu De Leon (para sa District 2) ang kanilang pagbati sa mga nagsipagtapos, kung saan naging sentral na mensahe ang patuloy na paglinang ng kakayahan sa pamamagitan ng pagsusulong ng pagkatuto o learning and development — dahil mabilis ang pagbabago sa mundo at dapat ay makasabay tayo sa mga ito.
Ibinahagi rin ng pamunuan ng BCLP, sa pangunguna ni G. Al Edralin, ang nalalapit na pag-iisa ng BCLP, Pasig Livelihood Training Center, at Pasig City Institute of Science and Technology, na sinusugan din ni Mayor Vico bilang parte ng patuloy na pagpapabuti ng mga programa ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Sa "merger" na ito, di na lamang ito magiging programa na nakatutok lamang sa learning and development, i-lilink na rin ito sa employment at livelihood programs para mas mapakinabangan ng mga papasok dito.
Matapos ang mga mensahe, ipinamahagi ng ang Certificates sa completers bilang tanda ng kanilang pagtatapos sa programa sa ilalim ng BCLP.

Bukod sa sertipiko, makakatanggap din ng "Starter Kit" na nagkakahalagang PHP2,000.00 ang completers (liban sa mga kawani ng lokal na pamahalaan na nagsipagtapos) para makatulong na makapagsimula ng mga ito -- sa paghahanap man ng trabaho, o tulong sa pagsisimula sa maliit na negosyo, o sa patuloy na pagpapaunlad sa kanilang mga kakayahan.