IN PHOTOS: 1ST MEGA JOB FAIR PARA SA TAONG 2024

February 29, 0024



Naging matagumpay ang 1st Mega Job Fair ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa taong 2024 na ginanap kahapon, February 28, 2024 sa Pasig City Hall Quadrangle.
Mayroong 1,132 jobseekers ang lumahok sa job fair kung saan 578 sa mga aplikante ang hired-on-the-spot. Samantala, umabot naman sa 1,121 aplikante ang na-assess bilang qualified. Nasa 324 naman ang near-hired o ang mga aplikante na kinakailangan pang magpasa ng additional requirement/s o dadaan pa sa second/final interview upang tuluyang makapasok sa trabaho na kanilang inapplyan.
Para sa mga hindi nakapunta sa naganap na job fair, huwag mag-alala! May mga inilatag pang job fair ang Pasig City Public Employment Service Office (PESO) para sa taong 2024. Antabayanan lamang ang susunod na posts ng Pasig City Public Information Office tungkol dito!
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, maraming salamat sa lahat ng Pasigueño na lumahok sa Mega Job Fair. Salamat din sa mga kompanya at ilang sangay ng pamahalaan na nakiisa upang magbigay hanap-buhay sa mga Pasigueño.
Ang nasabing aktibidad ay naging posible sa pangunguna ng PESO, sa pakikipagtulungan sa iba't ibang sangay ng nasyonal na pamahalaan at partner employers.