IN CASE YOU MISSED IT: TRAFFIC ADVISORY

October 10, 2022

IN CASE YOU MISSED IT: 

TRAFFIC ADVISORY 

Sa October 11, 2022 (Martes), ay sisimulan ang pagpapatupad ng experimental traffic scheme sa Manggahan Bridge. 

Sa ilalim ng experimental traffic scheme na ito, ang lahat ng mga sasakyan na manggagaling sa kahabaan ng East Bank Road ay hindi na maaaring kumaliwa (NO LEFT TURN) patungo sa Manggahan Bridge.

Ito ay experimental traffic scheme pa lamang at maaaring mapaiksi o ma-extend ang implementasyon nito depende sa magiging sitwasyon ng trapiko sa nasabing lugar. Inaasahan ang pagsunod ng lahat dito.

Maraming salamat po.