IN CASE YOU MISSED IT: Civil Society Organization (CSO) Assembly 2022 | Selection of Representatives in Local Speacial Bodies
September 24, 2022
IN CASE YOU MISSED IT: Civil Society Organization (CSO) Assembly 2022 | Selection of Representatives in Local Speacial Bodies
Nasa halos 300 na kinatawan ng civil society organizations (CSOs) [accredited at recognized) mula sa iba't ibang sektor ang dumalo sa ginanap na CSO Assembly 2022 noong Lunes (September 19, 2022) at Martes (September 20, 2022). Hinati sa dalawang araw ang eleksyon ng mga magiging representante ng CSOs kada sektor sa nasa 20 na Local Special Bodies ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Ang pagkakaroon ng kinatawan mula sa CSOs sa Local Special Bodies ay alinsunod sa Local Government Code of 1991 o RA 7160. Layunin nito na magkaroon ng representasyon mula sa CSOs para masiguro na maipapaabot sa iba't ibang Local Special Bodies ang mga pangangailangan ng mga mamamayan sa isang sektor na magiging gabay sa pagpaplano ng mga proyekto at programa, aktwal na implementasyon ng mga ito, at maging monitoring para masiguro na ang mga ito ay maayos na naisasagawa.
Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng boses ang mga ordinaryong mamamayan at aktuwal na partisipasyon ang kanilang mga kinatawan (CSOs) sa paggogobyerno.