ICYMI: PASIG CITY EMPLOYEES FUN RUN 2023
November 15, 2023
Nasa higit 800 na kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang lumahok sa Pasig City Employees Fun Run 2023 na ginanap noong November 5, 2023 na may temang "Love Your Heart".
Sa mahigit 800 na participants, 480 ang sumali sa 5 km run at nasa 341 naman ang sumali sa 8 km run. Nagsilbing assembly point ang Emerald Ave., at binaybay ng participants ang Julia Vargas Ave. Lanuza Ave., St. Martin, Molave St., at St. Paul Road.
Bago opisyal na nagsimula ang fun run ay nagkaroon muna ng maiksing programa kung saan nagbigay ng Opening Remarks si Ms. Elvira Flores, ang head ng Human Resource Development Office ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig. Samantala, nagkaroon din ng Zumba na nagsilbing warm up bago tumakbo ang participants ng fun run.
Pagkatapos ng ilang oras na pagtakbo, itinanghal na pinakamabibilis na mananakbo ang mga sumusunod na kawani:
8 km run winners
1st Place: Ron Borres (City Health Department - Pasig Emergency Unit)
2nd Place - Benefer Digamon (Pasig City General Hospital)
3rd Place - Edgar Zaragoza (People's Law Enforcement Board)
5k km run winners
1st Place: Matt Gulle Cruz (Sports Development Program)
2nd Place: Bea Grabador (Sports Development Program)
3rd Place: Carlo Jay Gallego (Pasig Urban Settlement Office)
Special Award - Jay Harold Gregorio (Sports Development Program)
Nagkaroon ng awarding ceremony bago tuluyang matapos ang Fun Run na dinaluhan nina Mayor Vico Sotto at Councilor Corie Raymundo. Nagkamit ng cash prize ang mga nanalo at nakatanggap naman ng finisher medals ang lahat ng nakatapos sa Fun Run.
Ang pagsasagawa ng Pasig City Employee Fun Run ay parte pa rin ng year-long celebration ng ika-450 Taon ng Pasig. Naging posible ito sa pangunguna ng Human Resource Development Office, sa pakikipagtulungan sa iba't-ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.