Heads up sa Pasig scholars at aspiring Pasig scholars!

August 28, 2024

SAVE THE DATE: SEPTEMBER 3, 2024 dahil bubuksan nang muli ang application process para sa Pasig City Scholarship Program sa kasalukuyang School Year (SY) 2024-2025!

Pinaaalalahanan ang renewal and new scholars na ang application para sa Pasig City Scholarship Program ay dapat dumaan sa PCS Portal.  

Kaya naman para mas mabilis ang maging proseso ng aplikasyon, hinihikayat na gumawa na ng account gamit ang PCS Portal.

Sundin ang mga sumusunod na hakbang:

1. Bisitahin ang PCS Portal: https://scholars.pasigcity.gov.ph/

2. I-click ang “REGISTER HERE.” 

Siguraduhin na active na email address ang gamiting pang-register para sa paggawa ng account. 

3. Sagutan ang online form. 

Huwag kalimutang i-tick ang "Accept the  Privacy and Terms of Use."

4. I-check ang iyong email. 

I-activate ang iyong PCS Portal account sa pamamagitan ng pag-click ng link na ipinadala sayong email. Ang nasabing link ay mag-expire sa loob ng 30 minutes. 

5. Mag-log in at i-update ang inyong personal details. 

Magpapadala ng temporary password sa inyong email. Kapag naka-log in na gamit ang temporary password na ito, palitan ito at i-update ang iyong details.

_______

Kung makaranas ng technical issues gamit ang PCS Portal, sagutan ang online form na ito:  https://forms.gle/g8nj7gTtSDCoe3tb8 

Ang technical issues na maire-report sa weekends at holidays ay ma-aaddress sa susunod na working day.

_______

Para malaman kung kayo ay kwalipikado na mag-apply para sa Pasig City Scholarship Program, i-check ang Photos 06, 07, and 08.

Habang hinihintay ang pagbubukas ng application period, simulan na rin ang paghahanda ng documentary requirements:

[See Photo 09] For New Applications

[See Photo 10] For Renewal of Scholarship

_______

Para sa latest news at updates, i-follow ang Telegram Channel ni Agos, kung saan maglalabas ng Advisories at Guidelines sa scholarship na pinangangasiwaan ng Pasig City Education Department-Scholarship and Awards Section.

Telegram Channel: https://t.me/pasigscholarship

Para sa mga katanungan at concerns, maaari namang mag-email sa: scholarshipoffice@pasigcity.gov.ph