Hataw Pasigueño: Musikang Handog sa mga Pasigueño

November 28, 2023



CALLING FOR CHORALE GROUPS IN PASIG!!!

Bilang parte ng taunang Christmas activities ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, magkakaroong muli ng Himig Pasigueño: Musikang Handog sa mga Pasigueño na gaganapin sa December 11-12, 2023, 04:00PM onwards sa Asemblea Magna, Tanghalang Pasigueño.

Inaanyayahan ang chorale groups sa Pasig na mag-register para makasali sa chorale competition na ito. Maaaring mag-register hanggang sa December 6, 2023, 08:00AM - 05:00PM, sa opisina ng Pasig City Cultural Affairs and Tourism Office, 4/F ng Revolving Tower.

I-check ang material #2 at #3 para sa iba pang mahahalagang detalye tungkol sa Himig Pasigueño. Ang mananalo rito ay iimbitahan na mag-perform sa Christmas Carol at the Park sa December 15, 2023! 

Kaya, sali na!