HAPPENING NOW: FREEDOM OF INFORMATION WORKSHOP
October 28, 2022
HAPPENING NOW: FREEDOM OF INFORMATION WORKSHOP
Kasalukuyang sumasailalim sa isang Freedom of Information Workshop ang nasa 70 Deputy Information Officers (Information Coordinators) na fina-facilitate ng Right to Know Right Now Coalition ngayong hapon, October 28, 2022.
Layunin ng workshop na mas maintindihan ng DIOs ang kanilang tungkulin sa pag-handle ng Freedom of Information requests sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig na pinapangunahan ng Ugnayan sa Pasig.
Ang mga DIO ay mga kinatawan mula sa bawat opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na itinalaga sa bisa ng Pasig City Ordinance No. 37, s. 2018 o ang Freedom of Information Ordinance ng Pasig. Isa ito sa mga naunang local FOI ordinance na naipasa sa Metro Manila.
Ang workshop na ito ay parte ng PH3D Project: Data Driven Development in the Philippines sa pangunguna ng Action for Economic Reforms na may support mula sa European Union at pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Sa ilalim ng proyektong ito, layunin na mapabuti pa ang FOI practices sa Lungsod ng Pasig tungo sa isang transparent, participatory, at accountable na paggogobyerno.