HAPPENING NOW: 1ST SEMESTER CITY DEVELOPMENT COUNCIL MEETING
April 4, 2023
Nagtipon ang mga mga kinatawan ng City Development Council ngayong araw, April 4, 2023, sa Rizal High School Gymnasium para sa 1st Semester Meeting nito.
Nasa halos 250 participants ang lumahok sa CDC meeting na binubuo ng mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, kabilang ang mga hepe ng departamento/opisina (ilan sakanila ang nagsisilbing sectoral committee co-chairs), mga kinatawan mula sa mga barangay (barangay chairs at iba pang representantives), kinatawan ng Department of the Interior and Local Government - Pasig Field Office, at mga kinatawan mula sa civil society organizations (ilan sa kanila ay nagsisilbing sectoral committee co-chairs) na naitalagang miyembro ng CDC sa pamamagitan ng eleksyon na naganap noong 2022.
Parte ng agenda ng 1st semester CDC Meeting ang reporting ng naging Capacity Building patungkol sa Planning and Sectoral Representation/Election ng civil society organizations (CSOs) ng iba't ibang local special bodies noong Oktubre 2022; report ng proseso at resulta ng naging project identification ng CSOs para sa 2024 Annual Investment Program (AIP) noong Marso 2023; Reading ng Resolution para sa 2023 Supplemental Budget; at Presentasyon ng Schedule ng AIP 2024 activities at status ng 2024 AIP Presentation.
Isa ang CDC sa local special bodies na nakatakda sa Local Government Code (LGC) of 1991 at Executive Order No. 471, s. 1991 na mandatory na may hindi hihigit sa 25% na membership mula sa CSOs. Isa ito sa mga natukoy na mekanismo para masiguro ang pakikilahok ng mga mamamayan sa paggogobyerno sa pamamagitan ng CSO representatives. Required sa ilalim ng LGC na magkaroon ng at least dalawang (2) CDC meetings sa isang taon.
Ang pagsasagawa ng CDC ay pinangunahan ng City Planning and Development Office na nagsisilbing Secretariat nito.