GOVERNMENT INTERNSHIP PROGRAM: JANUARY 2024 APPLICATION

January 10, 2024



Magandang balita para sa mga out-of-school-youth na gustong ma-experience ang Government Internship Program o GIP sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig!
Sa darating na January 22, 2024, bubuksang muli ang online application para sa GIP ngayong taon!
Kung ikaw ay nakatira sa Pasig, nasa edad 18-30, kasalukuyang hindi enrolled o nag-aaral ngayong school year, at may educational attainment sa alinman sa nakasaad sa material (photo #1), pwedeng-pwede sumali rito!
Para sa batch ng GIP na ito, nasa 200 slots ang bubuksan. I-check ang material para sa qualifications, requirements, at magiging proseso ng online application.
Ipo-post ang link sa online application form dito sa Facebook Page ng Pasig City Public Information Office sa January 22, 2024, araw ng Lunes, 01:00PM. Magiging accessible lamang ito hanggang 02:00PM ng nasabing date -- kaya huwag kalimutang i-set ang alarm para sa application period ng GIP!