Good Fats: Mga Taba o Mantika na Maganda para sa Katawan

September 24, 2024

Hindi lahat ng taba o mantika ay masama. Parte ng isang balanseng diet ang pagkain ng taba o mantika. NGUNIT, hindi pare-parehas ang lahat ng taba o mantika.
Ang 𝗺𝗼𝗻𝗼𝘂𝗻𝘀𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗳𝗮𝘁𝘀 𝗼 𝗠𝗨𝗙𝗔 ay isang uri ng taba na nakakatulong sa pagpapababa ng bad cholesterol at pagpapataas ng good cholesterol. Karaniwang matatagpuan ang MUFA sa avocado, almond, cashew, peanuts, at peanut butter.
Ang 𝗽𝗼𝗹𝘆𝘂𝗻𝘀𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗳𝗮𝘁𝘀 𝗼 𝗣𝗨𝗙𝗔 naman ay isang uri ng taba na nahahati sa dalawang kategorya: Omega 3 at Omega 6 fatty acids
- Omega 3: Nakakatulong para pababain ang triglycerides at nakakapagpapababa ng tsansa ng sakit sa puso.
- Omega 6: Tulad ng MUFA, nakakatulong din ito sa pagpapababa ng bad cholesterol at pagpapataas ng good cholesterol.
Kaya sa pagpili ng taba sa ating pagkain, dapat choose healthy and be smart!
Go for Healthy, Good Fat!
I-follow ang Facebook Page ng Pasig City Nutrition Committee para sa #PCNCChoosyTuesdays