Gawad Parangal sa mga Natatanging Pasigueño Nomination (Last 7 Days!)
June 13, 2023
Nalalapit na ang deadline para sa nominasyon ng Gawad Parangal sa mga Natatanging Pasigueño!
May kilala ka bang natatanging Pasigueño? Ano pa ang iyong hinihintay; imungkahi na siya dahil may pitong araw na lamang upang mainomina siya!
----
Kaugnay ng selebrasyon ng ika-450 Araw ng Pasig, nananawagan ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng tulong sa pagtukoy sa mga natatanging Pasigueno sa iba't-ibang larangan!
[NOTE: Upang mas mapalawak ang mga nominasyon, pinalitan ang naunang category na"Sculpture" at ginawa itong "Visual Arts," sa ganitong paraan ay mas maka-capture ang iba pang uri nito kabilang ang Sculpture, Painting, Drawing/Illustration, Photography, Graphic Design, Fashion Design, Printmaking.]
Sa pamamagitan ng Gawad Parangal sa mga Natatanging Pasigueño, kinikilala ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang mga huwarang Pasigueño na nagta-tagumpay at nakakapag-ambag sa iba’t ibang larangan, upang magsilbing inspirasyon sa Pasig at maging sa buong bansa.
I-click ang link na ito para sa detalyadong proseso ng nominasyon kabilang ang kwalipikasyon at requirements: bit.ly/GPNP_POST
O kaya naman ay i-scan ang QR code na nasa material!