Gawad Parangal sa mga Natatanging Pasigueño 2024
May 6, 2024
Mga kapwa Pasigueño!
Kaugnay ng papalapit na selebrasyon ng ika-451 Araw ng Pasig, bubuksan nang muli ang nominasyon para sa Gawad Parangal sa mga Natatanging Pasigueño!
Simula bukas, May 7, 2024 hanggang sa June 30, 2024 (11:59PM), maaari mo nang mainomina ang Pasigueño na may malaking kontribusyon sa kanyang larangan at karapatdapat na kilalanin bilang Natatanging Pasigueño!
Gabay sa pagbasa ng material:
Photo #2: Mga Larangan kung saan maaaring makapagnomina ng Natatanging Pasigueño
(PAALALA: Maaaring piliin ang pinakamalapit o related sa field kung wala ang eksaktong larangan sa listahan)
Photo #3: Minimum Qualifications at Ilang Paalala sa Pagnomina
Photo #4: Requirements at Proseso ng Nominasyon
Maaaring i-download ang Nomination Form mula sa link na ito: bit.ly/GPNP2024_NominationForm
(NOTE: Hindi kailangang manghingi ng access para i-edit ang Nomination Form. Para mai-download ang editable na Nomination Form, i-click ang "File," piliin ang "Download" at i-select ang "Microsoft Word (.docx)").
May dalawang paraan para magsumite ng nominasyon:
- Online: I-email ang scanned o pdf file ng nasagutan at pirmadong Nomination Form at kumpletong requirements sa GPNP@pasigcity.gov.ph
Maaaring magpasa hanggang sa June 30, 2024 | 11:59PM
- Hard Copy: Ilakip ang nasagutan at pirmadong Nomination Form at kumpletong requirements sa isang envelope at ipasa ito sa:
THE SECRETARIAT
Gawad Parangal sa mga Natatanging Pasigueño
c/o Cultural Affairs and Tourism Office (CATO)
4/F Revolving Tower, Caruncho Ave., Brgy. San Nicolas, Pasig City
Maaaring magpasa ng hard copy ng nominasyon hanggang sa June 30, 2024 | 05:00PM.
——
Aasahan namin ang inyong mga nominasyon — para sama-sama nating kilalanin ang mga Natatanging Pasigueño!