Gabi ng Pasasalamat 2024 | Performers

July 1, 2024

Ito na ang pinakahihintay ng lahat tuwing Araw ng Pasig, ang Gabi ng Pasasalamat!
Tunghayan ang performances nina Skusta Clee, Flow G, Magnus Haven, Maropok Band, The Knobs, at Cloud 7 para sa GABI NG PASASALAMAT 2024 na gaganapin bukas, July 2, 2024, sa ganap na 05:00PM sa Pasig City Hall Quadrangle.
Bukod sa performances ng ating guest artists, mas pasasayahin ng ating hosts na sina Boobay at Osang ang ating selebrasyon!
Kaya naman isama na ang buong pamilya at barkada sa Pasig City Hall Quadrangle para sa tuloy-tuloy na selebrasyon natin ng Araw ng Pasig 2024! I-check ang TRAFFIC ADVISORY kaugnay ng Gabi ng Pasasalamat sa link na ito: https://bit.ly/TrafficAdvisory_GabiNgPasasalamat_2024
Para naman sa mga Pasigueño na hindi makakapunta sa Pasig City Hall Quadrangle, huwag kayong mag-alala! Magkakaroon ng livestream para sa Gabi ng Pasasalamat dito lamang sa Pasig City Public Information Office Facebook Page para hindi kayo mahuli sa selebrasyon na ito.
Kita-kits, Pasigueños!