Gabi ng Pasasalamat 2023

July 3, 2023












MALIGAYANG ARAW NG PASIG, MGA PASIGUEÑO! 

Hindi napigil ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos din ng suporta ng mga Pasigueño para sa selebrasyon ng ika-450 Araw ng Pasig. 

Hapon pa lamang ay unti-unti nang nagdatingan sa Pasig City Hall Quadrangle (Caruncho Ave.) ang mga nakiisa sa pagdiriwang. Nag-umpisa ang kasiyahan sa muling pagpapakitang gilas ng mga kalahok sa Indak ng Pag-asa kung saan itinanghal na Grand Champion ang Mananayaw ng Buting. Nakuha naman ng RHS Modern Dance Troupe (Brgy. Caniogan) at Pure Kwatro Batang Pineda (Brgy. Pineda) ang 1st Runner Up at 2nd Runner Up. 

Di rin naman nagpahuli sa kantahan ang local band na Take Back Julie na binubuo ng mga talentadong kabataan mula sa Brgy. Dela Paz. 

Highlight ng gabing ito ang mahalagang anunsyo mula kay Mayor Vico tungkol sa pinakamalaking proyekto ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig – ang renobasyon ng Pasig City Hall para sa mas maayos at ligtas na serbisyo publiko! Sa kanyang speech, inilihad ni Mayor Vico ang hangarin ng lokal na pamahalaan na lubos na mapaganda at mapatatag ang Lungsod ng Pasig hanggang sa susunod na apat at kalahating siglo. 

Matapos ang bigating announcement ni Mayor Vico, sunod-sunod na bigating performances naman ang natunghayan ng mga Pasigueño mula sa mga mainstream artists na sina: Tres Marias, Apo Hiking Society, Bamboo, Boobay, Ace Banzuelo, Abra, at Itchyworms! 

Hindi lamang ‘yan ang bigating pasabog sa selebrasyon ng Araw ng Pasig! Mapalad ang mga Pasigueño dahil tayo ay pinaunlakan din nina Tito, Vic, at Joey, na game na game nakipagkulitan! 

But wait, there’s more! Hindi lamang diyan nagtatapos ang selebrasyon ng ika-450 taon ng Pasig! Abangan ang mga anunsyo dito lamang sa Pasig City Public Information Office Facebook Page tungkol sa iba’t ibang activities ng lokal na pamahalaan kaugnay pa rin ng selebrasyon nito.

Nais balikan ang mga kaganapan sa Gabi ng Pasasalamat? I-click ang link na ito: bit.ly/PasigCityGabiNgPasasalamat

#PanahonNgPasigueño