Free Guided Tour sa Pasig City Museum

May 22, 2025

Magandang balita! Ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ay maghahandog ng LIBRENG GUIDED TOUR sa Pasig City Museum simula ngayong araw, May 22, 2025, hanggang May 30, 2025, tuwing Martes hanggang Biyernes.
Para makasali, sundin lamang ang sumusunod na guidelines:
1. Bumuo ng isang grupo na may 5-15 miyembro.
2. I-follow ang official Facebook Page (@PasigMuseo) at Instagram account (@pasigmuseoph) ng Pasig City Museum, at i-share sa public audience ang orihinal na post sa ibaba, at kuhanan ng screenshots.
[Siguraduhing lahat ng miyembro ay naisagawa ang steps na ito.]
3. Magpunta sa tanggapan ng museo at ipakita ang mga katibayan para step #2. Bukas ang opisina mula 09:00AM hanggang 04:00PM.
Huwag mag-alala dahil hanggang 10 grupo ang maaaring tanggapin kada araw para sa nasabing free guided tour.
Kaya, tara na sa Kanlungan ng Kasaysayan at Karunungan ng Lungsod Pasig!
Sa mga nais pumunta, matatagpuan ang Pasig City Museum sa Plaza Rizal, Brgy. San Jose.
Para sa mga katanungan, magpadala lamang ng mensahe sa official Facebook Page ng Pasig City Museum