Free Bike Lessons sa Emerald Ave. | November 23, 2024

November 22, 2024

Pasigueños!
Muling magkakaroon ng libreng bike lessons sa Emerald Ave., Brgy. San Antonio bukas, November 23, 2024.
Kung ikaw ay nagnanais matutong mag-bike, di mo na kinakailangan pang mag-register! Pumunta lamang sa Brgy. San Antonio People’s Street na nasa Emerald Ave., simula 08:00AM hanggang 11:00AM.
Ang Free Bike Lessons ay naging posible sa pangunguna ng Pasig Transport.
Kita-kits bukas, Pasigueños!